(Just a personal musing) Maganda ka. Tila isa kang prinsesa na nananatili sa loob ng kastilyo at matiyagang hinihintay doon ang iyong kahanga-hangang prinsepe. Hindi ka natatakot. Pinili mong huwag lumampas sa hangganan dahil alam mong hindi ka pinagkaitan subalit ikaw ay pinapangalagaan at upang ikaw ay maging ligtas. Magiting ka. Ikaw ay matapang na sumunod sa pananatili sa loob dahil ikaw ay nagtitiwala at naniniwala. Ipagpaumanhin kung naghihintay ka ng matagal. Batid kong hindi ako nararapat na tawaging prinsipe mo. Ako ay sugatan at mahina. Hindi pa ako nakikibahagi sa isang labanan noon kung saan ang ganitong uri ng kagitingan ay kinakailangan. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na isa akong mandirigma. Hindi ako nagtitiwala sa aking karwahe at mga kabayo. Subalit hinihintay ko yung araw na dadalhin nila ako kung nasaan ka. Hinihintay ko ang araw na iyon na masasabi ko sa iyo na hindi ko ipapangakong maging pinakamahusay na prinsepe mo sa buong mund...
This world is not our home, we are just passing through!