3rd year ako sa MMSU, 3 years na sa akin noon ang pinakaunang brand new cellphone ko sa buong buhay ko. Tanda ko, nilagay ko ito sa aking bulsa bago ako sumakay sa tricycle papuntang COE (College of Engineering). Lumipas ang ilang minuto at doon ko lamang napansin na nawawala ito. Nakahiram ako noon ng phone sa aking kaklase na noon ay nakaunli-text. Sa aming magkakaklase, bibihira pa lamang ang may pantawag noon at kung meron man ay nahihiya akong humiram sa kanila.
Sinubukan kong i-message ang aking contact number. Na ako ang pasaherong inihatid ni manong driver sa COE. Ang pagkakaalala ko, may natitira pang load ang aking phone kaya may pang-reply si manong driver na nakapulot kung saka-sakali man. Agad naman itong nag-reply,
"Bio student here. Nakita ko po sa sinakyan kong tricycle ang phone ninyo. Ibigay ko sana kay manong driver pero duda ko kanina na pasahero din ang nakahulog. Nandito po ako ngayon sa Teatro."
Nagpasalamat na ako sa kaniya kahit di ko pa ito nakuha. Tinanong ko ito kung mayroong klase. Dali-dali ko siyang pinuntahan at pagkababa ko pa lamang mula sa tricyle ay nadatnan ko na itong nakaantabay sa harap ng Teatro Ilocandia. Nawari ko noon na siya iyon dahil sa sinabi niyang naka-uniform ito ng puti pati ang isa niyang kasama. Sa panahong iyon ay naka-org shirt naman ako ng CE, at pinakita agad ang aking phone .
Pagkaabot niya, muli akong nagpasalamat. Tatanungin ko pa lamang sana ang pangalan niya pero tumalikod na ang mga ito at agad na silang umalis. Ang nasambit ko na lamang, "Thank you, nagsingpet talaga dagiti Bio!"
(ang bait talaga ng mga BS Bio students)
Bumaling siya sa akin, ngumiti, at itinuloy ang pagpasok sa Teatro. Sa isip-isip ko, kahit sinabi lang din niya sana, "Ang gwapo talaga ng mga taga-Engineering." Ha.ha kidding!
Years ago, I met a stranger with a beautiful heart. Situations like this reminds me to always be kind and look for opportunities to PAY IT FORWARD. Ang kabutihang ginawa sa iyo ng isang kapwa ay maaari mo itong masuklian. Hindi man sa kaniya subalit sa iba.
Comments
Post a Comment